961

By

3 pulis na killer ni Kian, mabubulok sa kulungan – Duterte

Sharing is caring!

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabubulok sa kulungan ang tatlong pulis Caloocan na nakapatay sa estudyanteng si Kian delos Santos dahil hindi niya bibigyan ng pardon ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview na wala siyang balak na bigyan ng pardon sina PO1 Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at PO3 Arnel Oares dahil napatunayan sa korte na sinadya nilang patayin ang biktimang si Delos Santos.

Kahit pa aniya lumipas ang isang milyong taon ay walang matitikmang pardon ang tatlong pulis.

“No. Of course not. Maybe a million years from now,” ang maiksing pahayag ni Pangulong Duterte.

Iginiit ng Pangulo na handa niyang ipagtanggol at akuin ang sinumang pulis o sundalo na nakapatay dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin, pero hindi kasama rito ang mga umabuso sa kapangyarihan at sinadyang pumatay at lumabag sa batas.

“Look ang sinabi ko I will defend to death my soldier and my policemen if they commit some acts which can be considered criminal but done in the performance of their duties,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang tatlong pulis Caloocan ay hinatulang mabilanggo ng habambuhay ng Caloocan City Regional Trial Court matapos mapatunayang guilty sa kasong murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }