94

By

3 pulis-Maynila na sangkot sa salvaging, kinampihan ni Albayalde

Sharing is caring!

Ipinagtanggol ni National Capital Regional Police Office Chief Oscar Albayalde ang mga pulis-Maynila na inaakusahang pumaslang diumano sa tatlong suspek na pagbebenta ng ilegal na droga sa Tondo, Maynila.

Sa panayam, sinabi ni Albayalde na noon pa naipaliwanag ng Manila Police District (MPD) na lehitimong police operation ang isinagawa sa Tondo noong Oktubre 11 at nabawian ng mga baril ang tatlong napatay na diumano ay nanlaban.

Nag-imbestiga na rin at walang nakitang pag-abuso ang PNP Internal Affairs Service (IAS) sa police operation.

“Tinanong ko ang IAS. Sabi po nila ongoing pa ang investigation nila pero so far walang nakikitang irregularity sa operation na yun,” sabi ni Albayalde.

Tinutukoy dito ni Albayalde ang kumalat na video buhat sa news organization na Reuters kung saan nakitang buhay at kasama ng mga pulis ang mga drug suspect sa tondo. Nakunan ng video ang isang pulis na ginalaw ang pwesto ng cctv camera.

“Matagal na po iyan at nasagot na po ng MPD na yan ay isang legitimate operation. Kasama po nila diyan ang mga barangay officials.. Huling-huli na yang paglabas nitong Reuters,” ayon kay Albayalde.

“Kung gustong i-alter o gustong itago yang video na ‘yan, most probably hindi na nila makukuha yung kopya ng video na yan,” dagdag nito.

Sa tingin naman nito, hindi makakaapekto ang usapin sa binabalaik na pagbabalik sa Philippine National Police ng poder lead agency sa war on drugs. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?