700

By

3 police major, pinasisibak ni Duterte

Pinadi-dismiss sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong police major ng Philippine National Police (PNP) na inakusahang nangikil sa isang talunang bidder kapalit ang pagpabor para sa kontrata sa bibilhing body camera.

Sa kanyang talumpati sa 80th anniversary ng Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinaldo, inatasan ng Pangulo ang officer-in-charge ng PNP na sibakin at tuluyang tanggalin sa serbisyo ang mga opisyal na sangkot umano sa korapsiyon.

Iniutos din ng Presidente na huwag papasukin ang tatlong opisyal sa Crame.

“In the police, the three majors were working on a body camera, and they were arguing because maybe of money, because of corruption. And so I said fire them, dismiss them. If they do not want to be dismissed, do not allow them to enter the camp and just tell them you are no longer a policeman,” anang Pangulo.

Nabatid na na-delay ng isang taon ang pagbili ng body camera ng PNP dahil sa panghihingi umano ng tatlong opisyal ng P5 milyon sa isang talunang bidder.

Kinilala ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa ang tatlong opisyal na sina police majors Emerson Sales, Rholly Caraggayan at Angel Beros.

Mahaharap ang police majors sa kasong kriminal at administratibo.

Nag-AWOL o absence without official leave na umano sina Sales at Caraggayan habang si Beros ay nanatiling aktibo sa serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?