37

By

3-points ni Green sumelyo sa panalo ng Raptors kontra Warriors

Pumukol ng tie-breaking 3-pointer sa nalalabing 2:07 sa overtime si Danny Green para padapain ng Toronto Raptors ang Golden State Warriors 131-128.

Tumapos ng season-best 37 points si Kawhi Leonard para sa Raptors, na pitong sunod na ang pananalo.

Kinailangan ng Raptors na daigin ang season-best 51 points at 11 rebounds ni Kevin Durant para maputol ang walong laro na nilang pagtaob sa Warriors.

Natambakan ng 18 points ang Golden State sa first quarter pero natapyas nila ito sa dalawa sa fourth quarter pero nagising sina Leonard at Green na kapwa pumukol ng 3-pointers na nagpaabante sa Raptors ng sampu, 4:41 sa orasan.

Muling bumalik sa kontensyon ang Warriors sa tip-in ni Kevon Looney para maibaba ulit sa dalawa ang lamang ng Toronto, 1:40 sa laro.

Umabante muli ng anim ang Raptors sa 3-pointer ni Kyle Lowry pero sinagot ito ng dalawang 3-pointer ni Durant para itabla ang iskor sa 119, siyam na segundo na lang ang nalalabi sa final stanza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?