49

Dec 8, 2017 @ 13:44

3-pointer ni Ingram tumapos sa 76ers

Naging instant bayani para sa Los Angeles Lakers sina Lonzo Ball at Brandon Ingram matapos pagtulungang pabagsakin ang Philadelphia 76ers at manakaw ang 107-104 victory sa Wells Fargo Center.

Una nito’y naaksaya ng Lakers ang 16 points nilang kalamangan sa fourth quarter at naitabla ng Sixers ang iskor, 104-104.

Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Ball sa kabila ng pang-aasar ng fans sa court kada nahahawakan niya ang bola.

Nag-drive siya sa baseline at sa kaunting segundo na natitira sa laro ay nakita niyang libre para pumukol ng bola ang kakamping si Ingram para sa wide open na 3-pointer at makuha muli ng Lakers ang kalamangan, 107-104.

Dahil sa panalo ay naputol ng Lakers (9-15) ang five-game losing streak nila at pinauwing luhaan ang Sixers (13-11).

Masakit sa dibdib nina Ben Simmons at Joel Embiid na nasayang ang triple-double na kanilang ibinaon para sa Philadelphia kung saan may 12 points, 15 assists at 13 rebounds ang una habang may 33 points naman ang huli.

Hindi naman nagpatalbog sa dalawa si Ball na may naipako ring sariling 10 points, eight assists at eight rebounds at panahog na apat na block at tatlong assists.

Si Ingram naman ay nakanakaw ng 21 points, seven rebounds at six assists na siyang unang nakapukol ng game-winner ngayong season.

Pambawi ito ni Ball sa malamyang laro sa pag-uumpisa pa lang ng season kung saan mayroon itong 1-for-9 overall kasama na ang 0-for-6 mula sa 3-point range.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?