43

By

3 player pinahiram sa PH team, isa sa punto ng maagang eksit – SMB coach Austria

Sharing is caring!

Maliban umano sa injury ng key player ng San Miguel Beermen na si June Mar Fajardo, isa pa sa nakapag-ambag sa napabilis na bakasyon ng powerhouse team ay ang pagkawala ng kanilang tatlong manlalaro na naglaro sa FIBA.

Nabigo kontra Alaska Aces ang Beermen, 96-85, dahilan upang maputol ang pangatlong sunod sanang finals appearance ng koponan.

Ayon kay San Miguel head coach Leo Austria, nagkaroon ng epekto sa kanilang paghahanda ang pagkawala nina Christian Standhardinger, Alex Cabagnot, at Marcio Lassiter sa unang bugso ng eliminations phase, dahil naglaro ang mga ito sa Fiba Asia World qualifiers 4th window.

“It’s not only the injury of June Mar. We were struggling at the start of the conference because we had three players in the national team… There came at a time that we are practicing with seven or eight players. It’s not an excuse but it gave some impact in our preparation,” saad Austria.

Ngunit sa kabila ng pagkatalo, nagalak pa rin si Austria sa nakamit ng kanyang koponan sa nakalipas na apat na season.

“I’m still proud of my players. Last four years, 12 conferences,, we’ve been in the finals seven times and won six championships. I think we have nothing to be ashamed of,” dagdag ng multi-titled coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?