123
3 Pinoy kinasuhan sa pagbebenta ng mga imitation jewelry sa Amerika
Mar 8, 2019 @ 21:00
By

3 Pinoy kinasuhan sa pagbebenta ng mga imitation jewelry sa Amerika

Kabilang ang tatlong Filipino sa pitong nakasuhan ng korte sa Phoenix, Arizona, USA dahil umano sa pagbebenta ng alahas na ginawa sa Pilipinas pero pinapalabas na gawa sa Amerika.

Batay sa ulat, ilan taon na umanong ginagawa ng pitong suspek ang modus na paglabag sa federal laws kabilang na ang Indian Arts and Crafts Act.

Kinilala ang tatlong Pinoy na sina Mency Remedio, isang factory manager sa Pilipinas; Orlando Abellanosa at Ariel Adlawan Canedo, na kapwa naman jewelry smiths o craftsmans sa Pilipinas.

Samantala, ang mga Amerikanong kasama ng mga ito ay sina Richard Dennis Nisbet, 70; Laura Marye Lott, 31, kapwa ng Peoria, Arizona; Christian Coxon, 45, ng Selma, Texas; at Waleed Sarrar, 43, ng Chandler, Arizona.

Batay sa indictment papers, ang mga akusado umano ay gumamit ng iba’t ibang jewelry business para gumawa ng mga alahas na kinopya sa original Native-American style.

Mina-manufacture umano ang mga kinopyang alahas sa mga factory sa Pilipinas saka dadalhin at ibebenta sa Amerika na parang authentic.

Kinopya umano ng mga akusado ang mga alahas sa Native American-made jewelry.

Dinadala umano ito sa Amerika sa pamamagitan ng FedEx o ipinupuslit o sa pamamagitan ng Philippine Postal System.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?