70

By

3 Pinoy inaresto sa Thailand dahil sa pangangalap ng donasyon

Tatlong Filipina ang dinakip matapos mag-solicit ng mga donasyon para sa mga mahihirap na kabataan sa Pilipinas nang walang kaukulang permit sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa report, hinuli ang tatlong Pinay na sina Belinda Austria Toledo, 55; Jessica Bayutas Ortega, 50; at Ruthie Espina Babila, 38, nang maaktuhang nangangalap ng donasyon sa ilang bar at restaurant sa Phet Trakul Road sa Tambon Nong Plue.

Nakumpiska sa kanila ang 10 books na may pangalan ng mga nagbigay ng donasyon, isang gitara at donasyon na nagkakahalaga ng Bt5,690 o P9,377.

Ang tatlo umano ay nakapasok ng Thailand bilang turista.

Mahaharap sila sa mga kaso na may kaugnayan sa “soliciting donations without a permit” at “aliens working without a permit”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?