35

Jul 6, 2019 @ 21:41
By

3 Pinoy filmmaker imbitado sa Oscars

Napabilang ang tatlong Filipino filmmaker sa inimbitahan ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS).

Ang AMPAS ang organization na nasa likod ng Oscars.

Ang mga naimbitahan ang siyang boboto sa mga mananalo sa annual event.

Nagpahayag naman ng kanilang pagkasorpresa sina Baby Ruth Villarama, PJ Raval at Ditsi Carolino.

Ayon sa Oscars website, kabilang sa listahan sina Lady Gaga, Tom Holland (Spiderman) at Letitia Wright (Shuri, Black Panther).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?