270

Jul 8, 2019 @ 17:09
By ,

3 Pinoy boxer palabok sa Pacquiao-Thurman bout

Tatlong Pilipinong boksingero ang magiging undercard sa labanang Manny Pacquiao at Keith Thurman para sa World Boxing Association (WBA) welterweight unified title sa MGM Grand Arena sa Las Vegas ngayong Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila).

Sina flyweight Genesis Libranza ng Agusan del Sur, featherweight John Leo Dato ng La Union at welterweight ng Davao del Sur ang mga Pinoy boxer na magpapainit sa title bout na ito.

Ilang beses na rin nakita sa mga laban ng Pambansang Kamao ang 25-anyos na si Libranza at ang 28-anyos na si Inson habang ang 26-anyos naman na si Dato ay makailang ulit na rin nakatungtong sa Amerika at lumaban.

Ang tubong Bangar, La Union na si Dato ay kilala sa palayaw na “The Lion”, na naging pro noong 2016 at lumalaban na rin sa Amerika at Mexico, ay galing sa sixth round win laban kay German Meraz nitong Hunyo at makakaharap naman nito ang Mexican southpaw na si Juan Antonio Lopez.

Nakatakda sanang sumabak si Libranza noong bakbakang Pacquiao at Broner bilang undercard kontra Carlos Buitrago pero na-cancel ito dahil lumagpas ng limang pounds si Buitrago.

Huling lumaban si Libranza noong Pebrero kontra Gilbert Mendoza para iangat anh professional record nito sa 18-1 at may 10 KOs at ngayong Hulyo naman ay makakalaban nito si Carlos Maldonado na may 11-3, 7 KOs record.

Lumaban din bilang undercard si Inson sa Pacquiao-Broner bout kung saan natalo siya via split decision laban Jonathan Steele ngayon ay magpapakataon ito na muling iaangat ang sarili sa laban nito kontra Mahonri Montes ng Mexico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?