29

Jun 17, 2020 @ 17:12

3 Pinoy binully sa Amerika

Sa loob lamang ng dalawang linggo, tatlong pinoy na sumusuporta sa Black Lives Matter ang nabiktima ng harassment sa California at New Jersey.

Namimigay ng tubig sa mga protesters at mga pulis ang Pinay Nurse na si Krystle Ann Batong na frontliner nang i-harrass ng isang white American sa Fort Lee, New Jersey.

Sinasabing hindi umano nagustuhan ng suspect na si Melissa Osso ang tinuran ng Pinay nurse at pinagsisigawan ito.

Noong nakaraang linggo isang Pinay rin ang biktima ng diskriminasyon at harrassment mula sa isang Kano sa Torrance, Califronia.

Sa viral video ng Pinay na si Sherry makikita kung paano tinulak sinigawan at pinagmumura ng suspect na kinilala ng torrance police na si Lena Hernandez ang Pinay habang nagwo-workout sa hagdanan ng park.

“Your fucking bitch this is not your place this not your home we do not want you here.”

Sa San Francisco, California naman ay isa ring Pinoy na kinilalang si James Juanillo ang hinarass ng isang Chief Executive Officer ng isang skin care company at kasama nitong lalake.

Sa video na umabot na sa10 million views sa twitter na kuha ng Pinoy na si James, sinita siya ng CEO na si Lisa Alexander habang nagpipinta ng Black Lives Matter sa kanyang bakuran sa Pacific Heights.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang tatlong insidente habang nagpaalala naman ang embahada ng Pilipinas sa Washington DC sa mga Pinoy na maging mapagmatyag at umiwas sa mga kilos protesta at kaguluhan sa ibat-ibang lugar sa Estados Unidos. (Dave Llavanes Jr)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?