23

By ,

3-peat target nina Lim, Que sa FCVBA

Sharing is caring!

Umaasa ang Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) na maipagpatuloy nito ang paghahari sa dalawang dibisyon ng 27th ASEAN Veterans Basketball Tournament na sumipa na noong Lunes, Setyembre 3 sa Hat Yai, Thailand.

Kumpiyansa si Ironcon Builders owner at Philippine delegation head Jimi Lim na kaya nilang dominahin ang 60-and-above at 65-and-above years divisions.

“We practice from time to time so we are all upbeat we can defend our titles in both divisions,” saad ni Lim, na pinangunahan ang pagsali ng bansa kasama ang sina Terry Que ng Rain or Shine at Eduard Tio ng Freego.

Bukod kina Lim at Que, kasama rin sa tropa ng 65-and-above sina dating Crispa player Bong dela Cruz, MICAA player Zotico Tan, Johnny Chua, James Chua, Sonny Co, Antonio Go, Conrad Siy, Eddie Yap at Achit Kaw.

“We have an intact lineup so we will go for a three-peat this time,” ani Que.

Sa hanay naman ng 60-and-above, ay nakatakdang sumikwat ng four-peat bitbit si Tio na hindi nakapaglaro noong nakaraang taon.

Mangunguna sa 60s sina dating San Miguel star Elmer Reyes, Noli Banate ng Crispa, Julio Cruz ng UE at dating La Salle star Kenneth Yap.

Kasama din nila si Danilo Ching, Aries Franco, Andrew Ontengco, Danny Co, Jose Lao, Elmer Latonio at Ramon Mabanta.

Hindi naman makakapagdala ng kinatawan para sa 50-and-above category na tangan ang three-peat title noong nakaraang taon sa Kuching, Malaysia sa pangunguna nina Allan Caidic, Benet Palad at Gerry Gonzales. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?