269

Dec 31, 2017 @ 10:35

3 pating namatay sa sobrang lamig sa Massachusetts

Tatlong thresher shark ang natagpuang walang buhay sa isang beach sa Cape Cod, Massachusetts na pinaniniwalaang namatay sa sobrang lamig.

Ayon sa mga shark experts, ang mababang temperatura sa Massachussets ang posibleng dahilan ng pagkasawi ng mga pating.

Pawang mga lalaki ang tatlong thresher sharks at may 14 talampakan ang haba. Natagpuan sila sa Wellfleet at Skaget beaches. Ang pangatlo ay nakita malapit sa Brewster beach.

Paniwala ng Atlantic White Shark Conservancy, maaring namatay sa cold shock ang mga pating bagamat kailangan pa nilang hintayin ang resulta ng necropsy test.

Kinuha na nila ang mga organs at tissue ng tatlong patin at pinadala na sa National Oceanic and Atmospheric Administration para pag-aralan.

Pangkaraniwan ang mga pating sa dagat ng Massachusetts at lumilipat sila sa mga lugar na warm ang tubig kapag panahon ng winter.

Ang mga nanatili naman ay madalas namamatay, ayon sa Shark Conservancy. Bumagsak sa 5 degrees ang temperatura sa rehiyon nitong nakalipas na linggo.

Anila, kapag sobrang lamig ng tubig, nagkakaroon ng muscle spasm ang mga pating at magreresulta sa cardiac arrest ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?