21

3 patay, tatlo pa sugatan sa gumuhong gusali sa Russia

Sharing is caring!

Tatlo katao ang namatay, kabilang ang isang bata, habang tatlo pa ang sugatan nang gumuho ang isang parte ng nine-storey residential building sa provincial city ng Izhevsk, Russia.

Ayon sa report ng AFP News, isang miyembro rin ng rescue team ang nasugatan.

Naging sanhi umano ng pagguho ay gas explosion.

Tinataya umanong nasa walong apartment ang nasira at 220 rescuers na ang nasa lugar upang maghalughog ng iba pang survivors.

Nasa 28 umano ang residente sa nasabing gusali, ngunit 10 hanggang 15 katao lamang ang nasa bahay nila nang mangyari ang insidente.

Ang gusali ay isang tipikal na Soviet-era residential block na gawa sa kongkretong bato.

Nagpadala na ang ministry ng saklolo sa Izhevsk, na nasa 940 kilometro ng silangan ng Moscow, at may populasyon na 650,000.

Madalas umano ang pagsabog sa Russia na ang dahilan ay ang pagsingaw ng gas na sumabog, kung saan ang pinakahuli ay noong Pebrero 2016 na nagresulta ng pagkamatay ng pito katao, kabilang na ang dalawang bata, nang gumuho naman ang isang apartment sa siyudad ng Yaroslavl, Moscow dahil sa pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?