77

Oct 6, 2017 @ 15:05

3 patay sa sumabog na water tank sa Bulacan

Patay ang katao habang 44 naman ang sugatan nang mag-collapse ang isang water tank sa San Jose Del Monte, Bulacan kaninang madaling araw.

Ayon kay Superintendent Fitz Macariola, Hepe ng San Jose Del Monte City PNP dakong alas-3:30 ng madaling araw kanina bigla na lamang sumabog ang water tank ng San Jose Del Monte Bulacan dahilan para mapatay ang tatlo at masugatan ang 44 na katao.

Kinilala ang tatlong nasawi na sina Jimmy Garcia,50, Elaine Chamzon, 22, at ang isang taon gulang na batang si Jaina Espina.

Posible aniya na hindi na kinaya ng pundasyon ng water tank na naglalaman ng dalawang libong cubic meters ng tubig kung kayat bumagsak ito.

Kaugnay nito bubuo ang lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte Bulacan ng Task Force para tumutok sa imbestigasyon.

“Kaya cinreate itong task force na ito ay upang alamin, although natin na maraming casualty, may mga injured na di natin inaashan kaya ayun ang tututukan natin, ” ayon kay Mayor Arthur Robes.

Samantala, hugas kamay naman ang General Manager ng San Jose Water na si Loretto Limcolioc sa insidente.

Aniya, tama naman ang structural design ng tangke at hindi substandard ang mga materyal na ginamit sa konstruksyon nito.(RED FORTALEZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?