34

By

3 patay sa pagkalunod sa ilog sa Capiz

Sharing is caring!

Patay ang tatlo katao kabilang ang dalawang menor de edad matapos malunod sa ilog sa Brgy. Lawaan, Dumarao, Capiz kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Prenciss Hannah Maravilla, 9-anyos; John Marco Maravilla, 5, at Marie Luz Gonzaga, 31, kapwa mga residente ng Brgy. Lawaan, Dumarao, Capiz.

Sa ulat ng pulisya, ala-una ng hapon kahapon isang Elizer Lagud, 47, ang nag-report sa Dumarao Municipal Police Station na may nalulunod sa Badbaran River.

Agad na rumesponde ang mga pulis at ni-rescue ang mga nalulunod na sina Prenciss at Marie at kaagad na isinugod sa Dumarao Medicare Hospital sa Poblacion Ilawod, Dumarao, Capiz pero idineklang dead on arrival

Habang sa ginawang retrieval operation nakuha si John Marco at naisugod pa sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Bago ang pagkalunod ng tatlo, nagpaalam daw si Marie Luz kay Marivec Maravilla, ina ng dalawang nasawing menor de edad na magpapastol lang ng kalabaw malapit sa ilog kasama ang dalawang bata.

Pero ilang minuto ang nakalipas ay bigla na lamang siyang nakarinig ng sigaw na humihingi ng tulong, dito na nakita ang nalulunod na mga biktima. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?