188

Jun 18, 2018 @ 14:05
By

3 patay sa malakas na lindol sa Osaka

Tatlo katao, kabilang ang isang 9-anyos na babae, ang nasawi matapos tumama ang isang malakas na lindol sa siyudad ng Osaka sa Japan nitong Lunes ng umaga.

Isang 9-anyos na bata at dalawang lalaki na nasa 80s ang edad ang namatay sa lindol, sabi sa report ng public broadcaster na NHK.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, isang magnitude 6.1 na lindol ang tumama nitong alas-otso ng umaga sa western Japan.

Sa ulat naman ng Fire and Disaster Management Agency, umakyat na sa 90 katao ang sugatan sa insidente.

Nagresulta ng pag-collapse ng mga gusali at pagkasira kabilang na ang mga nabasag na mga salamin, ang lindol.

Wala naman umanong inaasahang tsunami sa pangyayari habang sinuspinde ang mga serbisyo ng tren at subway kabilang na ang bullet train para masuri sa damage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,