179
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos
Dec 18, 2019 @ 14:44
By

3 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Batangas

Patay ang tatlo katao sa dalawang kaso ng pamamaril sa Batangas noong Martes, Disyembre 17.

Sa bayan ng Calatagan, kapwa hindi na umabot nang buhay sa ospital ang mga biktima na sina Angelita Matanguihan at Ricardo Maulion matapos barilin ang mga ito habang nasa loob ng kanilang tindahan ng prutas sa Barangay Lucsuhin alas-6:30 ng umaga.

Ayon sa report, dumating ang isang kulay gray na Toyota Avanza sa harap ng tindahan at bumaba ang dalawang suspek na armado ng maiksing baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang dalawa.

Agad ding tumakas ang mga suspek na sumakay muli sa van na minamaneho ng isa pang suspek.

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang relasyon ng dalawang biktima na umano ay magkasamang naninirahan sa iisang bahay.

Samantala, dead on the spot naman ang tomboy na si Airalyn Penarubia nang pagbabarilin habang nakatayo sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas, alas-10:20 ng gabi.

Sugatang isinugod sa ospital ang umano’y karelasyon nito na si Anna Kris Amancio na katabi ng biktima nang maganap ang pamamaril.

Agad tumakas ang gunman matapos ang pamamaril at sumakay sa isang kotseng pula na mabilis sumibad patungo sa direksyon ng Calamba City.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang krimen sa pagsaksi ng biktima sa isang kaso rin ng pagpatay sa isa ring tomboy sa Pasay City ilang taon na ang nakakaraan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?