49
2 PDEA agents sugatan sa buy-bust sa Pasay
Nov 24, 2021 @ 12:55
By

3 patay sa magkahiwalay na akisdente sa Batangas

3 patay sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa Batangas nitong Lunes ng hapon.

Patay ang tricycle driver na si Norberto Rabacid, 63, at rider ng motorsiklo na si Henry Pasia, 34, sa banggaan na kinasangkutan ng apat na sasakyan sa bayan ng Bauan dakong alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa awtoridad, patungo sa Bauan proper ang utility vehicle na minamaneho ni Romeo Evangelista, 42, nang mahagip nito ang motorsiklo ni Pasia at ang tricycle ni Rabacid, saka sumalpok sa Ford Ranger na minamaneho ng negosyanteng si Edgar Patrick Macatangay, 41.

Bandang alas-4:55 ng hapon sa kaparehas na araw, isa ang patay at isa ang sugatan sa isa pang aksidente sa Brgy. Aya, sa kalapit na bayan ng San Jose.

Patay ang rider ng motorsiklo na si Melvin Dela Peña, 48, matapos masagasaan ang kanyang sasakyan ng Toyota Tamaraw FX (TTS-144) na minamaneho ni Edwin Santos, 42.

Kumaliwa si Dela Peña patungo sa kanyang bahay, nang biglang sumalpok ang Tamaraw FX sa kanyang motorsiklo.

Nasa kostudiya ng pulisya sa Bauan si Evangelista habang nasa San Jose si Santos. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?