12

Nov 16, 2020 @ 14:57
By

3 patay sa carbon monoxide

Tatlo ang patay habang 10 iba pa ang naospital sa Albay matapos nilang malason sa carbon monoxide (CO) kaugnay sa paggamit ng generator, ayon sa pulisya.

Ang carbon monoxide ay isang gas na walang amoy, kulay o lasa na produkto ng pagsunog ng alinmang panggatong tulad ng propane, gasolina, langis, kahoy o uling. Maaari itong maipon sa mga sarado o bahagyang sarado na lugar sa loob ng bahay.

Ayon kay Albay provincial police spokesperson Capt. Dexter Panganiban, sa bayan ng Tiwi ay 2 ang namatay at 2 pa ang naospital dahil sa CO poisoning, habang 1 naman ang yumao at 8 ang naospital sa Ligao.

Lahat aniya ng mga biktima ay ni-refer sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).

Kaya naman, paalala ng Department of Health-Center for Health Development – Bicol, “‘Wag gumamit ng generator at iba pang makinarya na maaring magbuga ng carbon monoxide (CO) sa loob ng bahay” dahil “ang CO ay nakakalason at nakakamatay!”

“Siguraduhing kumuha kaagad ng medikal na atensyon kapag sinususpetsa mo ang pagkalason sa CO at ikaw ay nahihilo, magaan ang iyong ulo, o naduduwal at nasusuka,” paalala pa ng DOH-CHD sa rehiyon, dahil matapos ang mga nagdaang bagyo roon ay napilitan ang maraming residente na gumamit ng generator set habang wala pang kuryente.

https://www.facebook.com/dohbicol/posts/3712579658765357?__xts__%5B0%5D=68.ARADJSZJKSNypPA0S8NujqyWT4EJ_41yNG7qkYUpogxPSGS_1CsCns-E6NRCE-SiOEWBcaf3rGYJ7K8TopMUYdTIk4Yx1EIjZcpPI_imFZNNABTvWsNDzFWQeid4jLbf56DGre_PRe6WLTfHANmwg4LbslQedrMa2_FTAvR3il7fayuM0DzEvdEJFi3GvPiVZcIOlH-ObkNRkJBhuR68notvOHKFclOHS_XjaBJajfzTi7deBeLF0mwZCFnSrbp0J2Y1IUxvr69SkguV25yCFttl80THEHdLNH-mRlXy3FB7B-J9mTZEsTF_JkEeHoXlwZTEbI1zrgGn3l6ptXMN8257dsmW&__tn__=-R

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?