12

3 patay nang salpukin ng SUV ang tricycle sa Bacolod City

Sharing is caring!

Tatlong pasahero ng tricycle ang nasawi nang mabangga ng isang sports utility vehicle sa Bcolod City, Negros Occidentel Huwebes ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Erlinda Villar, Melinda Disoro, at Rodelyn Nasis.

Binabagtas ng tricycle ang kahabaan ng BS Aquino Drive sa Barangay Villamonte nang mabangga ito ng rumaragasang For Eco Sport.

Pito ang sakay ng tricycle at patungo sa ospital nang mangyari ang aksidente.

Inaalam pa ang pagkikilanlan ng mga nasugatan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulis sa aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?