11

Jan 24, 2021 @ 14:46

3 patay na butanding bumulaga sa Negros

Tatlong patay na butanding ang lumitaw sa dalampasigan ng Siaton, Negros Oriental kahapon.

Napag-alaman sa ulat na mag-iina pala ito.

Ani fisheries technician Randy Quiroquiro, nasa 400 kilo ang bigat ng inang butanding na may habang limang metro.

Sambit pa niya, kinailangan nilang putol-putolin ang katawan ng butanding upang mailibing ito katabi ang dalawang anak.

Ayon sa mga eksperto, may sakit sa kidney ang inang butanding kaya napaanak ito nang wala sa oras na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?