11

Sep 9, 2021 @ 16:59
By

3 patay kay ‘Jolina’

Sumampa sa tatlo ang nasawi habang 31 pa ang nawawala sa hagupit ng bagyong Jolina, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes.

Naitala ang dalawang nasawi sa Naro, Masbate habang ang isa ay sa bayan ng Buenavista sa Marinduque.

Kabuuang 3,843 bahay naman ang nawarak sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas dahil kay “Jolina”.

Samantala, iniulat ng Pagasa na inalis na ang lahat ng nakataas na tropical cyclone wind signal sa bansa habang patungo si “Jolina” sa West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?