81

Nov 24, 2021 @ 16:35
By

3 patay, 6 sugatan sa banggaan sa motorbike race sa Bukidnon

Tatlo ang nasawi habang hindi bababa sa anim ang sugatan nang bumangga ang mga motorcycle rider na nag-drag-racing sa highway sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon sa ulat ng Bukidnon provincial police, namatay ang isang pasahero ng multicab na si Avegail Manalo, 22, habang nasawi rin ang isa menor de edad na hindi pinangalanan ng mga pulis at Florendo Cababat, 21, na kalahok sa karera.

Kabilang sa mga nasugatan ang sakay ng motorsiklo na hindi kasama sa karera ngunit nabundol din na sina sina Simon Ocon Jr., 35, at Donniza Ocon, 29.

Sugatan din ang mga pasahero ng multicab na sina Monique Nicole Vasquez, 22, at Omaira Sarosong, 21.

Nagtamo rin sugat si Angel Socias, 23, at isa pang menor de edad, na parehong kalahok sa karera.

Isang Charlito Vasquez, 49, ang nagmamaneho ng Suzuki multicab kasama mga pasaherong sina Sarosong, Manalo, at Vasquez nang mabangga ito ng isang Yamaha Sniper na motorsiklo mula sa likuran.

Nahagip ng multicab ang tatlong Suzuki Raider motorcycle na minamaneho nina Socias, Cababat, at isa pang menor de edad, na kasali sa drag race.

Lumagpas sa kabilang linya ang motorsiklo ng menor de edad kung saan nabangga nito ang Yamaha XTZ na motorsiklo.

Dinala ang mga ito sa ospital kung saan ideneklarang patay ang tatlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?