75

By

3 patay, 3 sugatan sa karambola sa Lanao del Norte

Patay ang tatlong katao habang sugatan ang tatlong iba pa makaraang magbanggaan ang isang tricycle, Toyota Sedan at Nissan pick-up sa Tubod, Lanao del Norte.

Ayon kay Police Major Rodolfo Dongiapon, Tubod police chief, naganap ang aksidente sa national highway ng Kakai Renabor, Tubod, Lanao del Norte bandang 4:00 Martes ng hapon na ikinasawi nina Samia Pasan Montila, 30-anyos; Charlyn Mondido Sumagang, 33-anyos; at Amenola Hadji Latip, pawing mga residente ng bayan ng Kolambugan.

Habang sugatan naman sina Jenelyn Filipino Sayre, 31-anyos; Mohammad Jalil Pasan Montila, siyam na taong gulang at Antonina Pang-an Balatero, 55-anyos.

Base sa report, binabaybay ng Toyota Sedan ang Tubod proper patungong Kolambugan nang makabangga nito ang tricycle na nawalan naman ng kontrol at sumalpok sa isang paparating na Nissan pick-up.

Nabatid na tumakas ang driver ng Toyota Sedan na may plakang AA 1884 at napag-alaman nakapangalan sa isang Nicanor Andal Garcia, ng Fairview, Quezon City habang sumuko naman si Prince Alexander Umpa Caorong, driver ng Nissan pick-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?