241

Sep 30, 2020 @ 10:16
By

3 paslit sa Bataan ginawang sex slave ni itay

BATAAN – Arestado ang isang padre de pamilya matapos sampahan ng kasong pang- aabuso sa kanyang sariling mga anak sa bayan ng Pilar Bataan.

Sa report ng pulisya base sa reklamo ng isang barangay kagawad, hindi na lamang pinangalanan ang 43-anyos na ama para maitago ang pagkakakilanlan ng magkakapatid na biktima.

Ayon sa salaysay ni Kagawad, lumapit umano sa kanya ang 10 anyos niyang inaanak na babae na anak ng suspek at umiinda dahil sa pagsakit ng ari dahil sa gabi -gabi umano itong ginagahasa ng sariling ama.

Bukod pa dito isang sumbong din ng walong taong gulang na lalaking kapatid din nito na lagi namang pinapalaruan ang ari nito ng kanilang ama.

Samantala nasa Philippine Children Hospital naman sa Maynila ang nakababatang kapatid ng dalawa na tatlong taong gulang na lalake matapos namang lumabas ang buwa na hinihinalang inaabuso din ng kanilang ama.

Hanggang ngayon ay dumadaan pa sa trauma ang tatlong magkakapatid dahil sa karumal dumal na sinapit sa kamay sariling ama, ayon sa kagawad.

Wala naman daw magawa ang ina ng mga bata dahil lagi din ito binubugbog ng asawa, binabato ng bote, inaambaang tatagain at sasaksakin.

Sa ngayon ay makapiit ang suspek sa bayan ng Pilar Municipal Jail habang inaayos na ang kasong rape dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?