50
ABANTE mrt pasaway mrt3
Jan 11, 2018 @ 15:22
By

3 pasaway na tren ng MRT-3 tinanggal na

Tinanggal na ang tatlong pasaway na tren ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na palaging nagbibigay umano ng aberya at pagtirik matapos magpasaway na naman ito sa rush hour na kasagsagan ng mataong pasahero kaninang umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT, dalawang tren ang nasiraan ng air-conditioning unit na kung saan ay agad inalis at pinalitan bandang alas-6:35 at alas-7:59 ng umaga.

Habang ang isang tren naman ay inalis dahil sa electrical failure at wheel slipping bandang alas-7:42 ng umaga.

Nilinaw naman ng MRT management na walang sakay na pasahero ang mga tren nang ma-detect ang problema at ibinalik na lamang sa depot ang mga ito.

Tinatayang nasa 11 tren na ngayon ang kasalukuyang tumatakbo mula North Avenue hanggang Taft Avenue.

Samantala, isang pagtirik lamang ang naganap kamakalawa kung saan umagang-umaga ay nairita na agad ang mahigit 600 pasahero ng MRT nang biglang magkaaberya sa unang biyahe nito sa Ortigas-Shaw Boulevard bandang alas-5:37 ng umaga dahil sa electrical failure. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?