143

Oct 19, 2021 @ 21:55
By

3 pari sabak sa eleksiyon

Tatlong paring Katoliko ang tatakbo sa eleksiyon sa 2022.

Kinilala sila ng Radio Veritas na sina Fr. Granwell Pitapit ng Diocese of Libmanan, Fr. Emmanuel Alparce ng Diocese of Sorsogon at Fr. Emerson Luego ng Diocese of Tagum.

Target umano ni Fr. Pitapit ang pagka-alkalde sa Libmanan, Camarines Sur habang pagka-konsehal naman ng Bacacay, Albay si Fr. Alparce.

Samantala, naghain ng mayoralty bid si Fr. Luego sa Davao De Oro.

Ayon kay retired Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., sa ilalim ng Canon Law 285, ipinagbabawal na sumabak sa eleksiyon ang mga pari.

May mga pagkakataon man aniya na maaaring tumakbo ang isang pari ngunit kailangang may permiso ito ng kanyang obispo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?