384
3 pari natatakot na dahil sa natatanggap na mga death threat
Mar 11, 2019 @ 15:15
By

3 pari natatakot na dahil sa natatanggap na mga death threat

Nagsagawa ng isang press conference sina Fathers Flavie Villanueva, Robert Reyes at Albert Alejo sa Saint Vincent School of Theology sa Tandang Sora, Quezon City para ipaalam sa publiko ang natatanggap nilang mga death threat.

Sa naturang prescon, ipinakita ng mga pari ang mga kopya ng text messages na kanilang natanggap kung saan pinagmumura sila at pinagbabantaan na papatayin.

“Aaminin ko po na lumabas po kami dahil may takot din kami. Nananawagan kami sa mga utak, sa mga ulo, sa mga pasimuno ng pagpatay, itigil na po natin ‘yan. Itigil na ninyo ang mga nakawilihan ninyong negosyo,” saad ni Alejo.

Kamakailan nang magbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mananakit sa mga pari at obispo na huwag umanong totohanin ang mga biro niya dahil ang away ay sa pagitan niya at ng Simbahang Katoliko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?