225

By

3 parak sa Visayas naglalaro ng golf habang duty, sinibak

Naligwak sa pwesto ang dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) Central Visayas at isang police colonerl matapos mabistong naglalaro ng golf kahit pa naka-duty.

Kinumpirma sa isang media briefing ngayong Huwebes, Enero 23, ni PNP Chief Archie Gamboa na sinibak niya sina regional comptroller PCol. Dennis Artil, finance service chief PLtCol. Richard Bad-ang, at drug enforcement group official PLtCol. Glenn Mayam.

Makaulit aniyang nilabag ng tatlo ang inutos niyang ban sa paglalaro ng golf kapag weekdays. Pinapayagan lang maglaro ang mga pulis tuwing weekend, holiday, at pagkatapos ng oras ng trabaho.

Sinabi pa ng hepe na namemeligro dahil dito ang promotion nina Bad-ang at Mayam, at damay din sa kaso si Police Regional Office 7 director Valeriano de Leon.

“They were playing there Tuesdays and Thursdays. Kung bored sila, they play on Wednesday. That’s why I have enough basis why they should be relieved,” ani Gamboa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?