Sereno

3 pang SC justices, tetestigo sa Sereno impeachment hearing

Sharing is caring!

Tatlo pang mahistrado mula sa Supreme Court (SC) ang nakatakdang tumestigo sa Kamara para sa pagdinig sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House Justice Committee chair Rey Umali, magbibigay ng kanilang pahayag hinggil sa alegasyon kay Sereno sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martires sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Lunes, Enero 15.

Nahaharap sa reklamo ang Punong Mahistrado base sa apat na grounds para siya ma-impeach kabilang na ang paglabag nito sa Konstitusyon, betrayal of public trust, corruption at iba pa.

Sinabi ni Umali na sasagutin ni Bersamin ang mga katanungan hinggil sa resolusyon na inisyu umano ni Sereno na walang pag-apruba mula sa en banc.

Habang tatalakayin ni Peralta ang alegasyong manipulasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) at sa Supreme Court ni Sereno.

Pag-uusapan naman ni Martires ang pagkaantala ng pagpapalabas ng retirement benefits ng mga judges at justices.

Inimbitahan din ng komite si Associate Justice Antonio Carpio na nakiusap na huwag na siyang isama dahil wala siyang alam sa isyu laban kay Sereno, ayon sa ulat ng CNN Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?