36
ABANTE-TNT 3 sc justices impeachment hearing
By

3 pang SC justices, iimbitahan sa Sereno impeachment hearing

Sharing is caring!

Nadagdagan pa ang mga mahistrado ng Korte Suprema na nakatakdang humarap sa pagdinig ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chaiman ng House justice committee, napagkasunduan sa meeting ng komite na imbitahan rin sa hearings sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta.

Sinabi ni Umali na sesentro ang testimonya ng mga ito sa rules and regulations at procedure ng Supreme Court at grounds ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption at betrayal of public trust.

Nauna nang inimbitahan ng Kamara sina Justices Samuel Martires, Mariano Del Castillo at Bienvenido Reyes para magbigay linaw sa delay sa retirement benefits, corruption issues at papel ni Sereno sa usapin ng Ilocos 6 at mga mahistrado ng Court of Appeals.

Humarap na rin sa pagdinig sina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro at Noel Tijam at Retired Justice Arturo Brion.

Ipagpapatuloy ng komite ang determination of probable cause sa reklamong impeachment laban sa punong mahistrado sa January 15. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?