95
Akyat-bahay
Sep 12, 2019 @ 15:27
By

3 pang preso na napalaya sa GCTA, sumuko

Tatlo pang inmates kabilang ang isang lolo na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sumuko sa Southern Police District (SPD) bago ang ibinigay na palugit sa kanila sa Setyembre 16.

Sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ala-1:30 ng hapon (Setyembre 11) nang sumuko sa kanila ang 72-anyos na si Oscar Alcido, balo, nakatira sa Barangay 61 Tramo ng naturang lungsod.

Base sa rekord, nahatulan ng habambuhay na pagkakulong si Alcido ng Pasay City Regional Trial Court noong Pebrero 2, 1993 dahil sa kasong robbery with double homicide.

Nakulong siya sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan ng 28 taon bago napalaya sa ilalim ng GCTA nitong Hulyo 25, 2019.

Bandang alas-4:10 ng hapon noong Setyembre 11 nang sumuko naman sa Las Piñas City Police si Mario Bernales, 52, na nakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) noong Hulyo 2013 dahil sa kasong frustrated homicide at napalaya nitong Pebrero 27, 2016.

Sumuko rin sa kaparehong araw sa Pateros Municipal Police si Florante Besid na nakulong sa Bilibid dahil sa kasong rape with frustrated homicide. Pinalaya si Florante sa ilalim ng GCTA nitong Agosto 6, 2019.

Ayon sa SPD, mula Dorothea Homes II Barangay Calublub, Naic, Cavite ay nagtungo si Bernales sa Las Piñas City Police Station para sa kanyang boluntaryong pagsuko.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga awtoridad ang pag-turn over sa mga inmate sa NBP.

Magugunitang nanawagan si Pangulong Rodirigo Duterte sa mga napalayang inmates na sa loob ng 15-araw ay kinakailangang sumuko ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?