36

By

3 pang justices tetestigo sa Sereno impeach hearing – Umali

Sharing is caring!

Dalawang justices ng Korte Suprema at isang dating mahistrado ang haharap sa Kamara sa susunod na linggo sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House committee on justice chair Reynaldo Umali, nagpahiwatig na diumano sina Justices Francis Jardeleza at Noel Tijam sa kanilang kagustuhang dumalo sa susunod na pagdinig sa Disyembre 11 at sasamahan ni retired Justice Arturo Brion.

Babalik din sa pagdinig sina Associate Justice Teresita De Castro at Court Administrator Midas Marquez.

“I think depende on the charges kasi charge nila Justice Jardeleza is about JBC. That should be a separate charge. ‘Yung kay Justice Tijam is about Maute. Another separate charge yun, yung usurpation, I guess,” pahayag ni Umali sa mga reporters.

Inakusahan si Sereno ng hindi pagsama kay Jardeleza sa listahan ng Judicial and Bar Council (bagamat may sapat siyang boto) dahil sa personal at pulitikang kadahilan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?