16

Nov 15, 2021 @ 16:01
By

3 paaralan sa Zambales atras sa face-to-face class

Tatlong pampublikong paaralan sa Zambales ang ‘di nakasabay sa unang araw ng pilot implementation ng face-to-face class matapos magpositibo sa antigen test ang ilan sa mga guro.

Ang mga naturang paaralan ay Banawen Elementary School sa bayan ng San Felipe at San Marcelino National High School at Baliwet Elementary School sa bayan ng San Marcelino.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Field Operations Malcolm Garma, ang paaralan sa Banawen at San Marcelino High School ay nakiusap kung maaaring simulan sa susunod na linggo ang kanilang face-to-face class.

Bukod dito, hihintayin pa umano ang resulta ng COVID test sa mga guro na nagpositibo sa antigen test.

Samantala, sa Banawen ES ay wala namang nagpositibo sa antigen test ngunit sinabihan pa rin silang sumailalim sa isa pang COVID test.

Sampung paaralan sa Rehiyon III ang napili na sumalang sa pilot implementation ng face-to-face class. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?