165

Oct 12, 2019 @ 19:44
By

3 ospital hinubaran ng PhilHealth accreditation

Tinanggalan ng akreditasyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang tatlong major private hospital sa Region 12 (Soccsksargen) dahil sa umano’y fraud.

Ayon kay Dr. Antoniette Ladio, acting regional vice president ng PhilHealth-12 sa PNA report, nag-isyu sila nitong Sabado ng writ of execution of suspension sa General Santos Doctors Hospital Inc. (GSDHI).

Binigyan din ng notices of withdrawal o revocation of accreditation ang Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center (APPMC) at Allah Valley Medical Specialists Center Inc. (AVMSCI), na kapwa nakabase sa Koronadal City.

Sinuspinde umano ang GSDHI dahil sa paglabag sa probisyon ng Republic Act 7875 o amended National Health Insurance Act of 2013 habang ang APPMC at AVMSCI ay dahil naman sa pagkakasangkot sa “in the commission of fraudulent activities.”

Dahil sa suspension at withdrawal ng accreditation sa tatlong ospital, hindi tatanggap, magpoproseso at magbabayad ng benepisyo ang PhilHealth para sa mga miyembro na nagpa-confine o nagpagamot sa nabanggit na mga ospital.

Inabisuhan ni Ladio ang mga PhilHealth member at kanilang beneficiaries na magtungo na lang sa accredited healthcare provider para makakuha ng benefits nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?