222

By

3 opisyal ng Samar police station sinibak ni Albayalde

Sharing is caring!

Matapos salakayin ang kanilang istasyon ng nasa 100 rebeldeng New People’s Army (NPA), tinanggal sa puwesto ang tatlong opisyal ng pulisya sa Northern Samar.

Inalis sa posisyon sina Northern Samar Police Director Sr. Supt. Romeo Campomanes, Chief Insp. Juan Leogo, commander ng 2nd Provincial Mobile Force Co., at Insp. Noli Montebon, hepe ng pulisya ng bayan ng Lapinig.

Tinanggal din ang 20 pang opisyal at tauhan ni Montebon.

Samantala, inirekomenda na rin ng PNP Oversight Committee ang pagsibak kay Region 8 Police Director, Chief Supt. Mariel Magaway.

Sa pagsalakay kanina, dalawang pulis ang nasugatan sa 20 minutong palitan ng mga putok ng mga pulis at rebelde.

Napaatras ng anim na pulis ang mga rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?