39

Jun 24, 2022 @ 11:12
By

3 opisyal ng Biñan dinikdik sa vote-buying

Nahaharap sa reklamo kaugnay ng pamimili ng boto o vote-buying ang tatlong elected officials ng bayan ng Biñan sa Laguna.

Ayon sa ulat, pinangunahan ni Michael Yatco at dalawa pang indibidwal ang paghahain ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec).

Sa kanilang reklamo, bumili umano ng boto sa nagdaang eleksyon sina re-elected Biñan City Rep. Marlyn Alonte-Naguiat, Mayor Walfredo Dimaguila Jr., at Vice Mayor Angelo Alonte.

Nakakuha umano si Yatco ng mga video at larawan mula sa 33 testigo kung saan nahuli ang pagbili ng boto ng tatlong politiko. Batay sa nakalap nina Yatco, naganap ang bilihan ng boto sa 14 na barangay sa Biñan.

Ang isa umano sa mga testigo, sinabing nagbahay-bahay ang ilang opisyal ng barangay noong gabi ng Mayo 9 upang magpamigay ng mula P500-P600 sa ilang botante na nasa listahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?