77
npa
By

3 NPA members todas sa bakbakan sa Mt. Province

Nasawi ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang sugatan ang dalawa pa matapos ang naganap na sagupaan sa Mt. Province kahapon.

Ayon kay Northern Luzon Command Spokesperson Col. Isagani Nato, alas-2:50 ng hapon nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 81st Infantry Battalion (81IB) sa Sitio Dandanac, Brgy. Tamboan, Besao, Mt. Province nang makasagupa ang mga miyembro ng NPA partikular ang Kilusang Larangang Gerilya (KLG) AMPIS sa ilalim ni alyas Digbay.

Nagtagal ng tatlong oras ang sagupaan na umabot ng hanggang alas-sais ng gabi.

Nakuha naman ng mga tumakas na NPA sa tropa ng pamahalaan ang isang K3 Squad Automatic Weapon, dalawang R4 rifles, isang M203 grenade launcher na nakakabit sa isang rifle na may handheld radio.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Northern Luzon Command na nagpapatuloy ang kanilang pagtugis sa NPA na patuloy naghahasik ng gulo sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?