58

Jun 20, 2019 @ 14:26
By ,

3 NBA star kasama ni LeBron sa ‘Space Jam 2’

Ilang NBA stars ang makakasama ni four-time MVP at Los Angeles Lakers star LeBron James sa pelikulang “Space Jam 2”.

Ayon sa mga report, makakasama ni James sa naturang pelikula ang kanyang teammate na si Anthony Davis, at sina Portland Trail Blazers star Damian Lillard at Klay Thompson ng Golden State Warriors.

Magkakaroon din ng role sa pelikula si WNBA great Diana Taurasi kasama rin ang magkapatid na sina Nneka at Chiney Ogwumike, na naglaro sa Los Angeles Sparks.

Unang lumabas ang cast sa LakeShowWorld.com.

Noong Setyembre ay inanunsyo ni James na si Black Panther director Ryan Coogler ang magpo-produce ng nasabing pelikula at si Terence Nance, na direktor ng Random Acts of Flyness, ang magiging direktor nito.

May limang taon na nang simulang pag-usapan ni James at kanyang partner na si Maverick Carter ang ang remake ng 1996 film na ito at sa 2019 NBA off-season inaasahang magsisimula ang pag-shoot nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?