60

May 3, 2021 @ 20:40
By

3 nalunod sa Laguna

Tatlo katao ang namatay nang tumaob ang isang bangka sa Talim Island sa Laguna.

Sa Facebook post, sinabi ng Municipal Government of Los Baños na nangyari ang pagtaob ng pampasaherong bangka noong Sabado, Mayo 1.

Hindi umano agad nakapagsagawa ng operasyon ang search and rescue team kinahapunan dahil sa malakas na hangin at alon.

Kinabukasan ng umaga na nakapagsagawa ng search and rescue na nagresulta sa pagkarekober sa tatlong bangkay, na pawang mga residente ng Los Baños.

Apat sa pitong mga biktima ng tumaob na bangka ang nauna nang natulungan at nakaligtas, at sila ang humingi ng tulong upang hanapin ang tatlong hindi pinalad na makaligtas.

TINGNAN: Isang tawag ang natanggap ng ating Municipal Action Center ganap na ika-4:45 kahapon, May 1, 2021, na may isang…

Posted by Municipal Government of Los Baños on Saturday, May 1, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?