97

Dec 15, 2017 @ 11:29
By

3 nalitson sa sunog sa printing shop sa Maynila

Tatlong katao ang namatay nang masunog ang pinagtratrabahuhang printing shop sa kanto ng Morayta St. na kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ni Senior Fire Officer 3 Sonny Sonny Lacuban ang mga biktima na sina Benjie Solis, 28-anyos at Ronald Obiedo 50 na halos hindi na makilala ang mga katawan dahil sa tindi ng pinsalang tinamo sa sunog.

Bagaman may pulso pa at buhay nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay hindi na rin naisalba si Joel Eva, 50-anyos idineklara ng mga doctor na dead-on-arrival.

Ayon sa fire investigator, alas-4:30 ng madaling-araw nagsimula ang sunog sa Lumandas Printing Press na pag-aari ni Renato Galicia Lumandas sa nasabing lugar. Hinihinalang ang nakasaksak na videoke ang ugat ng sunog.

Ayon sa mga first responder sa sunog, naka-padlock umano ang sliding gate kaya nahirapan silang agad na buksan ang nasusunog na opisina.

Nang maapula ang apoy aals-5:10 ng umaga, isa sa mga biktima ay nakita na nakasubsob sa banya habang ang isa ay nakadapa sa sahig sa likod ng opisina.

Gayunman, nilinaw ni arson investigatot Redentor Alumno na hindi pa maaaaring ituring na conclusive ang mga report lalo pa at nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon kung may pagpapabaya sa panig ng may-ari at kung mayroon ding foul play sa insidente.

Samantala sa salayasay ng may-ari na si Lumandas, nagkaroon sila ng Christmas party kahapon na inabot ng hanggang hatinggabi.

Aminado si Lumandas na siya ay nalasing din at nakatulog sa kanyang shop, ngunit pasado alas-9:00 aniya ng gabi nang siya ay mahimasmasan at magising, kaya umalis na rin siya at umuwi sa kanilang bahay na malapit lamang sa lugar.

May naiwan din aniyang mga tao sa kanyang shop na knabibilangan ng tatlong biktima na noon ay nag-iinuman.

Ang sunog ay umabot sa unang alarma at tinatayang P50,000 ang halaga ng naabong ari-arian. Rick Villanueva

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?