61

Feb 22, 2019 @ 13:27
By

3 nakarekober ng cocaine sa Quezon biniyayaan ng bigas

Binigyan ng tig-iisang sako ng bigas ang tatlong tao na nakakita ng tatlong bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P16 milyon.

Agad na sinurender ng mga ito sa mga otoridad ng Quezon Province ang mga natagpuang cocaine.

Bilang kapalit ay biniyayaan ang mga ito ng tig-iisang sakong bigas.

Saad ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police director, ang naturang award ay token of appreciation and gratitude mula sa mga kapulisan.

Ang mga sako ng bigas ay donasyon ni Chief Supt. Edward Carranza, director ng Calabarzon police.

Ang sako ng premium rice ay nagkakahalaga ng P2, 000 sa pamilihan.

Nitong Biyernes, Pebrero 22, nakumpirma ni De Guzman mula sa lab result na cocaine nga ang laman ng bloke na isinurrender ng 15-anyos na lalaki sa bayan ng Mauban noong Huwebes.

Ang cocaine na may bigat na 1.02 kilograms ay nagkakahalaga ng P5.3 milyon sa street market at may prevailing price na P5.2 milyon per kilo.

Noong Lunes, isang bloke na naman ng nakumpirmang cocaine na may timbang na 1.01 kilo at may halagang P5.9 milyon ang natagpuan sa baybayin ng Mauban.

Nang sumunod na araw, ay isa pang bloke ang natagpuan na may timbang na 1.03 kilograms at nagkakahalaga ng P5.3 milyon, ang natagpuan naman sa baybay dagat sa isla sa bayan ng Perez sa Lamon Bay.

Saad ni De Guzman, ang mga bloke ng cocaine ay nasa kustodiya na ng police crime laboratory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?