55

Mar 8, 2021 @ 21:28
By

3 nagpositibo sa South Africa variant sa Parañaque

Tatlong kaso ng South African COVID-19 variant ang na-detect sa Parañaque.

Sa ulat, sinabi ni Parañaque City Administrator Ding Soriano, na naitala ang mga kaso sa mga barangay Baclaran, Sun Valley at Don Bosco.

Wala pa aniyang kumpirmasyon kung ang mga kasong ito ay nagmula sa mga nagbalik na OFW.

Noong Linggo, kabuuan nang 358 ang COVID-19 active case sa lungsod, pinakamarami sa Barangay Baclaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?