48

Oct 16, 2019 @ 17:10
By

3 miyembro umano ng Abu Sayyaf pinosasan

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD), Manila Police District (MPD), Armed Forces of the Philippines (AFP), at National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa ikinasang operasyon sa Metro Manila at Cavite.

Dakong ala-una ng hapon, Oktubre 15, 2019 nang pinakita sa midya sa NBI headquarters ang tatlong suspek na sina Ibnus Isa, Amerudin Parasan, at Abdel Amin Bandala, pawang nasa hustong gulang at umano’y mga ASG member.

Batay sa report, unang naaresto si Isa sa Taguig City noong Setyembre 27, sa Port Area sa Manila City naman natimbog si Parasan noong Oktubre 3, at sa Kawit,Cavite si Bandala habang nakaduty bilang guwardiya/security guard.

Nabatid na inaresto ang tatlong ASG “members” sa bisa ng warrant of arrest para sa multiple counts ng Kidnapping at Serious Illegal Detention sa tatlong magkakahiwalay na operasyon.

Kabilang sa dumalo sina NBI Director Dante Gierran, Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, District Intelligence Unit OIC Maj. Jerry Sunga, SPD at iba pang opisyal ng NBI sa ginanap na presentasyon.

Sa ngayon, ang tatlo ay kasalukuyang nakakulong sa tanggapan ng NBI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?