72
arrested
By

3 miyembro ng kidnap group timbog

Sharing is caring!

Nadakip ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang tatlong miyembro ng kidnapping group na pinapatakbo ng isang convicted inmate sa New Bilibid Prison (NBP).

Kinilala ang mga ito na sina Joseph Manaig Hibek, Michael Talagsad Austria at Jowie Talagsad Antiojo.

Ang mga ito ay mga miyembro ng kidnapping group na pinamumunuan ni Tyrone dela Cruz na nakakulong sa Maximum Security Compound ng NBP.

Nagsisilbing kanang-kamay ni Dela Cruz ang dating pulis na si Marlon Sangalang.

Ayon kay PNP-AKGChief Police Sr. Supt. Glen Dumlao, ang grupong ito ang itinuturong dumukot sa negosyanteng Chinese na si Huang Bo Yu, ang manager ng Gold Star Stainless Steel Trading sa Cabuyao, Laguna noong Hunyo 24.

Aniya, unang humingi ang grupo ng P15 milyong ransom hanggang sa huli ay nagkasundo sa P2.5 milyon sa pamilya ng biktima.

Nailigtas si Huang noong Hunyo 27 sa Canlubang Golf Club.

Sinabi ni Dumlao na natukoy nila na kahit nakakulong sa NBP si Dela Cruz ay nakikipagnegosasyon ito para sa ransom ni Huang.

Sa ngayon tumutulong na rin ang Bureau of Corrections sa pag-iimbestiga sa kaso.

Pinaghahanap na rin ang mga suspek na sina Sangalang, Mark Anthony Sabugo, Romeo Atienza Bacoto, Reynaldo Halog Jacaban, Lenny Atienza Bacoto, isang alyas Critomo at alyas Abel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?