89

By

3 miyembro ng HPG, niregaluhan ng motorsiklo ni Duterte

Sharing is caring!

Masaya ang Pasko ng tatlong miyembro ng Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG) na nakabase sa Region 11 matapos makatanggap ng pamaskong motorsiklo mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pagdalo sa closing ceremony ng Motorcycle Riding Course sa Maa, Davao City, tinanong ng Pangulo kung sino ang pinakamagaling na riders sa hanay ng HPG Region 11 at tatlong pulis ang tumayo at nagtungo sa harapan.

Sinabi ng Presidente na tatanggap ang tatlong pulis ng tig-isang motorsiklo bilang pamasko na ikinatuwa naman ng mga ito.

“Okay you will receive each of you a dual–Yamaha. Okay ‘yan pagdating sa dirt road. Kunin niyo kay Bong ‘yung motorsiklo niyo, that’s my gift to you,” anang Pangulo.

Sa kanyang talumpati binigyang-diin ng Presidente na pag-aralan ng PNP-HPG ang tandem o “buddy buddy” lalo na ngayong panahon ng terorismo para mabilis na makaresponde.

Ang paggamit ng motorsiklo, ayon pa sa Pangulo, ang pinakamainam na magamit sa panahon ng responde.

“One of the best fighting force really, is the early responders and it could only be the police who are riding motorcycle,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?