93
npa
By

3 miyembro ng ASG, 7 NPA sumuko sa militar

Sharing is caring!

Nagbalik-loob ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa militar sa Western Mindanao.

Unang sumuko ang tatlong Abu Sayyaf na sina Karim Abubakar, Jimboy Abubakar Aldam, at Imran Arajan Abdulajidz.

Sumurender ang mga ito sa tropa ng 4th Special Forces Battalion, Special Forces Regiment-Airborne, Special Operations Command sa Barangay Banah, Tipo-Tipo, Basilan kahapon.

Habang pitong miyembro rin ng NPA ang sumuko sa tropa ng militar sa Maguindanao.

Kinilala ang mga ito na sina Godus Sintaw, 36; Arnel Dimantukay, 21; Donie Diwan, 28; Ghagha Ansag, 25; Danilo Mingkay, 25; Larry Ugalingan, 34; at Jimmy Ulangkaya, 34.

Kasabay na isinurender ng mga ito ang 7.62mm M14 rifle, dalawang M1 Garand rifles, isang homemade M16 sniper rifle, Springfield rifle, caliber .38 revolver, hand grenade, at isang landmine.

Sumasailalim na sila ngayon sa custodial debriefing at medical check-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?