106
arestado
Jun 6, 2018 @ 5:36
By

3 menor de edad, tirador ng tricycle sa Pateros

Arestado ang tatlong menor de edad na tumangay sa isang pampasaherong tricycle sa Pateros.

Sa sumbong ng may-ari ng tricycle na si Pablito Marellano sa Pateros Municipal Police Station, nakaparada ang kanyang sasakyan nang nakawin ng mga hindi nito nakilalang salarin.

Muling namataan ang ninakaw na tricycle ng anak ng may-ari na si Rustom Marellano sa Almaceda St. sa Barangay Martires del 96 sakay ng tatlong pasahero na agad na tumakas matapos niyang lapitan.

Naabutan ang isa sa suspek na isang menor de edad na babae.

Naaresto naman sa follow-up operation ang dalawa pang lalaking suspek na parehong 15 anyos.

Nasa kustodiya na ng Pateros Police ang tatlong menor de edad na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?