77

Sep 4, 2019 @ 12:10
By

3 menor de edad, 1 pa kalaboso sa marijuana

Arestado ang apat na lalaki, kabilang ang tatlong menor de edad na estudyante, matapos silang mahuli habang sumisinghot ng marijuana noong Martes, Setyembre 3, sa Zone 3, Bangued, Abra.

Kinilala ng Bangued Municipal Police Station (BMPS) ang mga suspek na sina Jewel Guinsay, 20, at tatlong menor de edad na hindi na pinangalanan na pinasakamay sa Bangued Municipal Social Welfare Development Office.

Ayon sa BMPS, tumawag ang isang concerned citizen sa himpilan ng BMPS at nag-ulat na sumisinghot ang mga suspek ng marijuana habang nakikinig ng malakas na tunog ng musiko.

Agad na rumesponde ang mga pulis at nahuli ang mga suspek sa akto na gumagamit ng umano’y iligal na droga.

Dito narekober kay Guinsay ang isang pakete ng marijuana, habang narekober naman sa bag ng isa sa mga menor de edad ang iba’t ibang drug paraphernalia na kanila umanong ginamit sa pot session.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?